Monday, October 13, 2008

P I N A P A N G A R A P N A B I T U I N ni Kristellia Macale

Sa gabing madilim, ako’y tulala,

Nakadungaw sa aking bintana.

Nangangarap ako habang naghihintay,

Sa mga bituing unti-unting sumisilay.

Una’y pangarap ay maging pintor,

Pagkat ang gusto’y pintahin ang mundo

Na may kasiyahan at kagalakan,

Nang lumabas ang kanyang kagandahan

Hindi naglaon, ang isipa’y nagbago,

Ngayon ang gusto’y maging isang guro.

Upang magturo ng mabuting asal.

Bumasa, sumulat, at mag-aral.

Husto na itong pangangarap ko

Pagkat ang isipa’y gulong-gulo

Di malaman kung anong gusto,

Mabuti pang matulog na ako.

Nang ako’y mahiga at sa aking pagtulog

Isang bagay lamang ang nakahubog

Na baling-araw ay mahahanap ko rin

Ang aking pangarap na bituin.

1 comment:

Anonymous said...

Baccarat | Free Spins & Jackpots in India - FBCAsino
Baccarat is one of the best 제왕카지노 card games in the world that's played by players 바카라 from around the 바카라 사이트 world. With more than one hundred games to choose from,