Monday, October 20, 2008

“Ang Ilaw ng aking Buhay”ni Janine Datol



Sadyang ‘di maikakaila

Na Ika’y kahanga-hanga

Tunay na walang kaparis

Pagmamahal mong kay tamis

Simula ng aking pagkabata

Sa pagbigkas ng unang salita

Dulot mo ay kalinga

O Mahal kong ina!

Sa tuwing magkakagalos

Gamot ko’y iyong haplos

Anumang sakit ang dinanas

Pagmamahal mo ang syang lunas

Minsan ng hindi nagtapat

Kung kaya’t napalo ng patpat

Dahil bata pa’y, pilit sumabat

Bagamat hindi nararapat

Kung maibabalik ko lang

Panahong ika’y ‘di iginalang

Ito’y aking gagawin

At ikaw ay susundin

O Ilaw ng aking buhay!

Na sa aki’y patuloy na gumagabay

Pagmamahal ko ang syang igagawad

Hanggang sa ika’y magkaedad

Salamat Panginoon!

Magdaan man, mahabang panahon

Saan man sya pumaroon

Pagmamahal nya’y aking ibabaon


No comments: