Friday, October 17, 2008

Samahan ni Shiela Del Rosario

Labing-dalawang kabataan na nagsama-sama

Pinanggalingan ma’y iba-iba

Pinagkasundo pa rin ng tadhana

Na nakabuo ng isang masayang barkada

Sa paaralan nabuo ang samahan

Maraming bagay kaming napagdaanan

Kasiyahan man o kalungkutan

Samahan nami’y hindi matatawaran

Ilang taon kami nagsama-sama

Na puno ng kulay at saya

Walang problema na hindi namin kinaya

Palagi lang namin dinadaan sa tawa

Dumating ang panahon na kami’y naghiwalay

Sa kalungkutan kami’y magkakaramay

Mga ngiting aming pinagsaluhan sabay-sabay

Unti-unti na nga ba mawawalan ng saysay?

Nakakamiss ang aming samahan

Sa kalokohan walang iwanan

Hindi nagpapaawat sa kantahan

Sabay-sabay pati sa tawanan

Nakakilala kami ng mga bagong kaibigan

Nagkaroon ng kanya-kanyang lakaran

Ngunit nagkikita pa rin paminsan-minsan

Pilit ginugunita ang mga nakaraan

Nagpapasalamat sa eskwela

Kung saan kami nagkakila-kilala

Hindi na yata magsasawa

Sa samahan at sa aking barkada

Sa puso namin aming ibinaon

Samahan kahit lipasin na ngayon

Puting buhok kami man ay magkaron

Magkakabarkada kami habang panahon

No comments: