Sa aking pagkabata hanggang pagtanda
Pag-imik, pagtutol di man lang ginawa
S’ya kong sinunod kulang na lang sumamba
Dahil inakala’y s’yang dapat at tama.
Walang alinlangan maski pagdududa,
Nanatiling tahimik, walang kaama-ama
Maski kaunting kibo ay di kinaya
Dahil kalapastanganan ang gantong gawa.
Saloobin, hinanakit ‘la man lang laya
Pinagpipilitang isawalang-bahala
Damdami’y di na kaya, nag-uumapaw na
Nais mang bawasan ngunit nadadagdagan pa.
Mga pagsulat ko’y may mararating ba?
Makaya bang ipaglaban ang saki’y tama?
Nagpupumiglas na tinig, kayaning makalaya?
O sadyang ito talaga ang nakatadhana.
No comments:
Post a Comment