Ang pag-ibig ko sayo’y ‘sing lalim ng karagatan
Itong kasayahan ng puso’y walang mapagsidlan
Abot tengang ngiti ‘pag narinig ang ‘yong pangalan
Kahit saglit hindi ka nawala saking isipan
Ngunit anong nangyari sa laang pag-ibig sa’yo?
Puso ko’y nabasag at ang pag-asa ay naglaho
Lalim nitong pag-ibig ko ay nilunod ng bagyo
Mga ngiti sa aking labi’y tuluyang naglaho
Naglahong pag-ibig mo saki’y hindi ko matanggap
At ang iyong paglayo ay tuluyan nang naganap
Ngunit ikaw ang tangi kong mahal at hinahanap
Kaya itong puso ko’y hindi nagsaradong ganap
Nasayang ba ang pag-ibig nasa sayo ay inalay?
Hanggang ngayon pag-ibig ko sayo’y puno ng kulay
Kahit na ito ay dinatnan ng tamlay at lumbay
Dahil itong pag-ibig ko sayo ay sadyang tunay
No comments:
Post a Comment