Friday, October 17, 2008

Panalangin ni Jearnie Camargo

Ayoko nang dumaloy ang luha

Ang nakaraan sana'y malimot na

Ayoko nang maramdaman ang sakit

Ang nakalipas sana'y di na maulit

Dalangin ko sa Diyos nasa langit

Wag ka sana sa aki'y agawin

Wag ka sanang mawalay pa

Habang buhay ka sanang makasama

Kamay mo sana'y lagi kong hawak

Kapiling ko lagi sa ginhawa't hirap

Magkatabi hanggang sa ating pagtanda

Magkayakap hanggang sa huling hininga

No comments: