Friday, October 17, 2008

SINO NGA BA SI INA ni Morris James C. Masalihit

Sino nga ba si Ina sa ating mga buhay

Siya ba’y isang babaeng sa ati’y nagaalay

Isinasakripisyo niya ang sariling kagustuhan

Upang makamit natin ang ating inaasam

Oras niya ay hindi ipinagdamot

Upang tayo’y kanyang maabot

Itinuro niya ang tamang daan

Mga tamang bagay na dapat matutunan

Kapaguran ay di niya alintana

Sakit ng katawa’y binabaliwala

Lahat ng imposible sa kanya’y posible

Lahat ng bagay sa kanya ay simple

Sino kayang mabuhay ng wala si Ina

Na magaaruga sa atin sa tuwina

Magmamahal sa atin at magpapahalaga

Ibinigay satin ng diyos at itinalaga

Mahalin natin si ina habang siya’y nandito pa

Pasiyahin at pagpahingahin natin siya

Upang sa araw ng kanyang paglisan

Bitbit niya ang ala-ala sa ating tahanan

No comments: