Friday, October 17, 2008

Mahal kong Magulang ni Mary Joy I. Bandong

Dalawang taong mahalaga sa akin,

Pangako’y sila’y pakamamahalin

Kanilang sinasabi’y susundin,

Basta’t alam kong ito’y tama para sa akin.

Bawat kanilang sinasabi,

Dapat ito’y iyong iniintindi,

Lahat ng bagay na gagawin,

Sabi nila’y kailangang isipin.

Mag-aral ng mabuti,

‘Yan ang kanilang sabi,

Ito raw ay isang kayamanan,

Kayamanang dapat na ingatan.

Ginawang pag-aaruga,

Mula pa noong ako’y bata,

Ito’y isang alaala,

Kapag inisip ay anong ligaya.

Mga magulang kong mahal,

Ito po’y sa inyo lamang alay,

Pagmamahal sa inyo’y walang kapantay,

Ito’y wagas at ito’y tunay.

No comments: