Sa isang liblib na lugar malayo sa sibilisasyon may isang batang isinilang na pinangalanang Egoy. Si Egoy ay isang batang napakabait at pinalaki siyang maayos ng kanyang mga magulang ngunit sa kabila ng kanyang kabaitan siya ay may malaking kapintasang dinadala sa kanyang pagkatao at ito ang kanyang balat. Si Egoy ay ipinanganak na maraming peklat at sugat sa katawan kaya’t ang mga bata sa kanilang barangay ay ayaw makipaglaro sa kanya ngunit sa kabila nito mayroon naman siyang napakabait at butihing mga magulang. Ang kanyang ama ay isang katulong sa isang manggahan malapit sa kanilang tahanan at dito sila kumukuha ng ikabubuhay sa araw-araw, ang kanyang ina naman ay tumatanggap ng labada tuwing araw ng linggo na nakatutulong din sa kanilang buhay. Si Egoy ay nag-iisang anak ng kanyang magulang at namumuhay naman sila ng maligaya ngunit dumating ang panahon na nagkasakit ang kanyang ama at si Egoy muna ang pinahalili nito sa kanyang trabaho dahil panahon na rin ng anihan ng mangga, hindi naman tumanggi si Egoy at agad itong tumungo sa asyenda kung saan ay may mga tao na nanamimitas ng mangga. Nakilala niya roon si Adelaida at ito’y tila ba bumihag sa kanyang puso, si Adelaida ay napakaganda ngunit may kagaspangan ang ugali palibhasa’y mayaman kaya’t ganito na natin kung siya ay asahan. Naisip ni Egoy na wala naman sinabi ang kanilang pamilya kung ihahambing sa pamilya ni Adelaida ngunit hindi siya napanghinaan ng loob kaya lumapit siya rito at binati ang dalaga nang magandang umaga ngunit di naman siya pinansin ng dalaga ni nginitian man lamang. Hindi pa rin siya napanghinaan nang loob lubos siyang nagpasikat upang makuha ang atensyon ni Adelaida na noon ay nakaupo sa isang silong kasama ang katulong nito at binabantayan ang mga manggagawa. Sa pagpipilit ni Egoy na makuha ang atensyon ni Adelaida ay nagkanda leche-leche ang paggawa niya ng kanyang gawain naroon ang nahulog siya sa puno ng mangga at nakaranas ng matinding saki ng likod. Nagtagumpay nga siyang makuha ang atensyon ni Adelaida ngunit ito na marahil ang huling pagkikita nila sinabihan siya ng dalaga na ayaw daw nito sa mga taong lampa, pangit at makulit na katulad ni Egoy. Dagdag pa ng dalaga na tatanggalin na daw nito ang ama ni Egoy kung makikita niya pa ang pangit na pagmumukha ni Egoy, lungkot na lungkot si Egoy nang umuwi sa kanilang maliit na tahanan. Napakasakit ng nadama ni Egoy na para bang isang kutsilyo na natarak sa kanyang puso. Una niya itong pag-ibig kaya’t lubha siyang nalugmok, nang makauwi sa bahay ang kawawang si Egoy ay hindi niya pinaalam sa magulang ang nangyari masaya pa rin niya sinalubong ang ina at ama sa kabila ng sakit na dala-dala. Tumungo si Egoy sa labas at nagmuni-muni, sa malamig na simoy ng hangin ay biglang pumasok sa isip niya na kung sana ay mahaba daw ang balahibo niya sa katawan ay di daw sana nakikita ang bakas ng kanyang kapangitan at kung malakas lang sana ang kanyang mga kamay at paa upang di mahulog sa mga puno na kanyang aakyatin, kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ang taimtim niyang paghiling.


Kinabukasan pagsikat ng araw ay may isang nilalang na naglalaro at nakasabit sa puno napakagaling nitong umakyat baba sa puno at nang makita ito ng mag-asawa sa tahanan nakita nila na may hawig ito kay Egoy at napaiyak sila sa pagbabagong ito kay Egoy. Tinawag nilang “Unggoy” ang naturang nilalang na nalalapit sa pangalan ng kanilang anak na si Egoy.
2 comments:
dpt pati poh info about xa author kxma xe kxma rin poh cxa xa report nmin 1
hmpff !
:[[
ano po ba ang aral na mapupulot sa alamat na ito??
ASAP poh
Post a Comment