Friday, October 17, 2008

Pangarap ni Emily Estrella

Minsa'y di mabatid ang tunay na adhikain
Di kasi nakasaad sa tamang alituntunin
Na dapat pa lang ang magmahal at mahalin,
Yun pala ang dapat nating pangarapin...
Isang bituing bumagsak sa aking paningin
Isang hiling ang sana ay tuparin
Na ang pangarap ko nawa ay dinggin
Para aking kinabukasan ay di mapaling
Gusto kong lumipad,
Gaya ng mga ibong umaawit sa langit
Oh di naman kaya maging isang anghel,
Ng maiadya ko silang lahat sa panganib...
Masayang maging puno,
Nang di ako matinag sa aking pagkakatindig
Mabuting maging isang kampana,
Nang ang lahat sa tahanan ng Diyos aking mapalapit
Ano pa man, masaya pa ring maging bata,
Batang may kislap sa kanyang mga mata,
At sa ating Diyos nagsisilbi parati...
Malayang maging masaya
At tumawa hanggang kaya...
Karapatang mahalin ng pamilya
Maging sino pa man sila...

No comments: