Friday, October 17, 2008

Ama't Ina ni Emily Estrella

Para sa akin sila ay mga huwaran,
Kasama mo kahit saan man,
Pangakong mahal ka kahit kailan,
Hindi tumitigil na ika'y pangaralan.
Laking tuwa na sila ang mga magulang ko,
Walang hindi inisip kundi kapakanan ko,
Salamat sa mga pagmamahal ninyo,
Kapag nakapagtapos hayaang suklian ko kayo.
Sa araw-araw na dumadating
Alam kong madalang na ito'y sambitin
na mahalaga kayo sa akin
At habang buhay kayo ay pakakamahalin.
Walang katumbas ang ama't ina
Akala man natin sila'y mga kontrabida,
Sa huli tayo'y tumatakbo sa kanila
Dahil napagtanto na tama ang mga payo nila.
Kulang ang mga salita o gawa,
Maparamdam lang nating kailangan natin sila,
Walang katumbas na anumang halga,
Ang aking mahal na ama't ina.

No comments: