Pag gising ko sa umaga,
Problema’y nasa isip na.
Proyekto ko’y di pa handa,
Ito ba ay kaya ko pa?
Ako’y nalilito sa mga leksyon,
Kaya bumagsak sa eksaminasyon.
Problema ko ba’y mayron pang solusyon?
Dito nga kaya ang aking direksyon?
Nahihilo’t nalilito,
Ang utak ko’y gulong-gulo.
Kanino kaya tatakbo?
Sino bang lalapitan ko?
Ganyan ang buhay, magulo at kumplikado.
Kahit san magpunta, problema’y di lalayo.
Magtiwala ka lang, Diyos ay nasa tabi mo.
Naghihintay lang sya, mula sa pagtawag mo.
Habang may buhay, wag mawalan ng pag-asa.
Basta’t gawin lang, ang lahat ng makakaya.
Talento at galling, lahat ng mga bagay,
Gamiting mabuti at sa Diyos mo ialay.
No comments:
Post a Comment