Sunday, October 19, 2008

Maling Akala ni Christian James D. Alvarez

Masayang-masaya ako ngayong araw, hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito kabilis ang pagtibok ng puso ko. May halong kaba, takot, at saya ang nararamdaman ko, habang sinusuot ko ang aking napakagandang trahedeboda. May kumatok sa pinto tila sinasabi na kailangan ko nang lumabas ng silid at humayo na sa naggagayakang simbahan sa bayan. Hindi maalis sa puso ko ang kaba at saya, na hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito, ang alam ko lang ay tutuloy na kami sa simbahan at maya-maya pa ay magsisimula na ang seremonya. Pagbaba ko sa sasakyan at paglapat ng aking mga paa sa sahig sa harap ng simbahan ay waring hindi na matanggal ang ngiti sa aking mga labi. Ako ay hinatid ng aking ama sa harap ng altar at nang ako ay ihahabilin na niya sa aking mapa-pangasawa, sinabi niya sa akin na hangad niya na ako’y sumaya at biglang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata at tila ito’y kumurot sa aking damdamin. Natapos ang kasal at ako ngayon ay misis Francisca Gutierrez na. Maraming tao ang maanghang na bumati sa amin ng aking asawang si Graciano, mainit ang kanilang pagbati sabay pagsaboy ng bigas at bulaklak. Matapos ang lahat ng ito, halos walang pagsidlan ang saya naming magasawa.

Lumipas ang dalawang buwan at nalaman kong ako’y nagdadalangtao na, labis akong natuwa at para bang natamo ko na ang kabuuan ko bilang babae. Namuhay kaming maligaya kasama ang aking asawa na nagtratrabaho sa isang malaking kompanya at nagpapasalamat ako at hindi niya kami pinababayaan. Ako’y nagiisang anak lamang sa aming pamilya namatay na ang aking ina kaya’t paminsan-minsan ay binibisita ko pa rin ang aking ama. Lumipas ang ilang buwan at ramdam ko na ang buhay na nilalang sa aking sinapupunan, nakakatuwang pagmasdan ang aking asawa na nilalaro ang aming anak na kasalukuyang nasa tiyan pa lamang. Dumating na ang araw na kailangan ko nang isilang ang una kong sanggol nagkataon namang naroon sa bahay ang asawa ko at binuhat niya ako kaagad ng makaramdam ako ng sakit at isinakay sa kotse, halatang-halata sa mukha ni Graciano ang pagkataranta, hindi na nga siya nagpalit ng suot na sando. Dumating kami sa Ospital at hindi ko na nalaman ang sumunod na pangyayari. Nagising ako na nasa loob na ako ng kuwarto at may doktor at nars na nakapalibot sa akin, naroon din ang asawa ko na mahigpit kong hinawakan.

“Mahal huwag mo akong iwan,,” sambit ko pa noon habang iniinda ang sakit ng pag-ire.

Naisip ko noon ang aking ina na naranasan din ang mga nararanasan ko ngayon. Lalo kong minahal ang aking ina na yumao na, maya-maya pa ay may naramdaman akong papalabas na sa aking pagkababae at ilang sandali pa ay narinig ko na ang iyak ng isang bata…

“Ungaaaaaaaa”….. malakas na ingay ng aking sanggol.

Labis ang saya ko at ako’y nagsilang ng isang malusog na lalaking sanggol. Inakala kong dito na matatapos ang paghihirap ko bilang ina ngunit dito pa lang pala magsisimula. Sa pagkabuo ng isang buhay, panibagong sakit naman ang kaakibat nito na aking mararanasan. Nabalitaan kong inatake sa puso ang aking ama at namatay, napakasakit nito para sa akin. Pagkalabas na pagkalabas ko sa Ospital ay tumungo agad kami kasama ang aking asawa at anak sa bahay ng aking ama. Dumating kami sa bahay at nakalagak na ang bangkay ng aking ama sa kanyang kabaong, ang bangkay ng aking ama ay naisayos sa tulong ng pamilya ni Aling Celing. Lungkot na lungkot ako sa sinapit ng aking ama, Hindi niya man lang nakita at nasilayan ang guwapo at malusog niyang apo.

“ Ito po ang apo ninyo, napakaguwapo po niya kamukha ninyo”. sambit ko sa harapan ng walang buhay kong ama habang karga-karga ko ang aking anak. Niyakap ko ng mahigpit si Aling Celing at nagpasalamat sa kanyang mga nagawa.

“Napakabait ng iyong ama, hanggang sa huling pagkakataon ay iniisip pa rin niya ang kalagayan mo”. Tugon ng matandang lalaki sa aking likuran siya pala ay si Mang Ador ang asawa ni Aling Celing. Wala akong nasabi kundi magpasalamat sa mga nagawa nila habang lumuluha. Si Graciano ay kumuha ng pera sa kanyang pitaka at iniabot ito sa magasawa.

“ Kulang pa po ba iyan?” tanong nito. Sumagot naman ang matandang lalaki

“Salamat anak at malaking tulong na ito sa amin”.

“Ngunit di pa po iyan sapat kong bibilangin ang nagawa ninyo para sa pamilyang ito” dagdag pa ng aking asawa.

Lumipas ang ilang mga araw at tuluyan ng inilibing ang aking ama. Ipinagbili na namin ang ari-arian namin doon at bumalik na kami sa aming tahanan sa Quezon.

“Ngayon ibibigay ko naman ang atensyon ko sa aking asawa at sa anghel na mula sa langit”. tugon ko sa aking sarili. “Napakabilis ng pangyayari, hindi ba mahal? Pahapyaw ng aking asawa. “Oo nga, parang kailan lang, kasama ko pa ang aking ama at nakikipagtawanan” sagot ko naman sa kanya. “Ngayon mahal ituon na lamang natin ang sarili sa ating pamilya.”

Isang buwan na ang nakalipas at bininyagan na ang aking anak, isinunod namin ang pangalan niya sa aking nasirang ama BUENVINIDO ANTONIO ang kanyang pangalan. Inalagaan naming ang aming anak ng masayang-masaya. Hindi na kami binigyan ng pagkakataong mabigyan pa ng ikalawang anak subalit nagpapasalamat pa rin ako sa poong maykapal sa ipinagkaloob niyang anghel sa amin. Lumipas ang sampung taon at binata na ang aking anak,kasabay ng mabilis na paglipas panahon ay ang paghirap ng buhay sa ating bansa ang dating sahod ng asawa ko ay kinakapos na ngayon, kaya isang araw.

“Mahal nakatanggap ako ng kontrata mula sa America, sampung taon akong mamamalagi doon at ito na ang pag-asa natin na maitaguyod ang ating pamilya” tugon ni Graciano kasabay ng katahimikan ng gabi.

“ Ano!! sampung taon?. Hindi ba’t napakatagal noon?.. Paano na kami, paano na ako, paano na tayo?” Tugon ko na halos parang isang ralihista sa mendiola na nagdadadada para lamang pakinggan ang hinaing..

“Gagawin ko ito para sa inyo at para sa kinabukasan ni anton kaya kunting tiis lang mahal”.

“ Paano na ako sampung taon akong matitigang?” Lalong lumalakas ang simbuyo ng aking damdamin.

“Naibenta na natin halos lahat ng ating ari-arian, Ano pang susunod? Hah? Sabihin mo!!”. Tugon niya. “Intindihin mo sana ako, Mahal. kailangan ko namang hanapin ang swerte sa ibang bansa”

Wala na akong nasabi at napayakap na lamang sa kanya at sinabi sa kanya na sana’y ako lamang ang mahalin niya. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko, aalis na ang asawa ko bukas pagsikat ng araw, kaya’t hindi na ako mapalagay matagal-tagal din ang sampung taon.

“ Mahal huwag ka na kayang tumuloy?” tila nangungusap kong pahayag

“ Hindi ba’t napag-usapan na natin iyan” tugon naman ni Graciano

“Hindi ko kayang palakihin si Anton na ako lamang mag-isa natatakot ako!!”

“Kaya mo iyan kaya nga kita pinakasalan dahil malakas ang loob mo, hindi ko naman kayo makakalimutan”

“Pero ako sampung taon akong mag-iisa Graciano, hindi mo man lang madidiligan ang aking pagkababae ng ilang taon!!.” Tugon ko sa kanya kasabay ng pagtalikod.

“ Kaya nating tiisin yun mahal, mahal natin ang isa’t-isa kaya alam kong makakaya natin ito”. “Halika nga dito at ng mayakap at madiligan na kita”. Sabay kabig sa mga kamay ko at inihiga ako sa kama,sabay ng pagtawa. Subalit iniisip ko pa rin ang tagal ng aming paghihiwalay.

Kinabukasan ayos na ang lahat at aalis na ang aking asawa,hindi na siya nagpahatid pa sa Airport at baka siya ay mapigilan pa daw namin. Sinusundan na lamang namin ng tingin ang sasakyang lulan ang aking asawa. Tumulo ang luha mula sa mga mata ko ngunit pilit ko itong pinigilan para hindi makita ng anak ko ang kahinaan ng Ina niya. Labing isang taon na noon si Anton kaya hindi na ako nahirapang ipaintindi sa kanya ang mga bagay-bagay. Lumipas ang isang taon at para bang napakatagal na, buti na lamang at may Smart Roaming at di napuputol ang komunikasyon namin kay Graciano. Tuloy-tuloy pa rin ang sustento ni Graciano sa aming mag-ina at di hamak na malaki ang sahod doon kaysa rito. Lumilipas ang mga taon at unti-unting nawawala ang komunikasyon sa pagitan namin ni Graciano subalit patuloy pa rin ang pagsustento nito sa amin. Labis na akong nag-aalala dahil minsan na lamang sa isang buwan kung tumawag si Graciano at limitado pa. Naging iba na ang lahat lumipas ang limang taon at labing anim na taong gulang na si Anton, katunayan mayroon na itong naiibig. Ganun pa rin ang komunikasyon sa pagitan naming mag-asawa, nag-iisip na tuloy ako na baka may iba na siyang pamilya kaya hindi niya na kami matawagan.

Maraming naglalaro sa aking isipan tungkol sa aking asawa na sanhi ng pagbabago ng aking kilos, pananamit, at pati ang atensyon sa anak ay nawala na, ang dating Francisca ay nawala na at napalitan na ng isang katauhang pati ako ay di ko na rin kilala. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sila ay si Norma at si Alice. Isang gabi ay isinama ako ng aking mga kaibigan sa isang mataong lugar at ito’y sa isang bar. Sa loob ng bar na iyon ay maraming lalaki na halos hubad na, kitang-kita ko sa mga kilos ng aking mga kaibigan na sanay na sanay na sa lugar na ito.

“ Ano ba ito napakalaswa naman dito?!!!” tugon ko na taliwas naman sa iniisip ko dahil tuwang-tuwa ako sa mga nakikita ko, ngayon ko na lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam.

“Tumigil ka diyan at magugustuhan mo rito!!” tugon ni Norma.

May lalaking lumapit sa amin napakakisig nito at napakalaki ng kargada tumabi siya sa akin na tila ba’y may gusto ito sa akin.

“Mare,, Patusin mo na yan total wala na ang asawa mo at anim na taon ka nang tuyot” sabay halakhak ng malakas.

Umalis ako at tumungo sa banyo at di ko inaasahang sinundan pala ako ng lalaking lumapit sa amin kanina, halos hubad na ito at nilapitan ako. Nanayo ang balahibo ko at para bang nakokonsensya ako ngunit may nagsasabi sa kalooban ko na kasalanan ito ni Graciano. Kinabig niya ako at hinalikan gumanti naman ako ng halik at tila nag-e-espadahan ang aming mga dila sa mga pagkakataong iyon, ngayon ko na lamang naranasan ang ganoong kasarap na halik. Tila nahimasmasan ako at itinulak ko siya at lumabas ako sa banyo. Paglabas ko sa banyo nakita kong wala na ang dalawa kong kaibigan, may nagsabi na lamang sa aking sila daw ay lumabas kasama ang kani-kanilang mga bata (callboy). Lumabas ako sa bar na medyo nahihilo dahil sa nainom ko. Umupo ako sa harap ng bar at ‘di ko namalayan na nakatulog ako doon, nagising ako sa isang hotel at nakita ko ang lalaking ninanasa ng aking katawan na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa kanya at tinitigan ang kagwapuhan ng kanyang mukha. Hindi ko na naisip ang aking anak, nagpapasalamat naman ako’t hindi nagrerebelde ito at sa halip ay isa siyang honor student sa kanilang paaralan. Tinangka kong halikan siya at nang makaramdam ito ay gumanti naman ito ng halik. Nauwi ito sa isang romansahang aking pinapangarap. Napakagaling niya sa kama at doon ko lang nalaman ang pangalan niya. Siya ay si Jeffrey dalawampu’t siyam na taong gulang na hindi naman masyadong nalalayo sa edad ko na tatlumpu’t anim. Naging masaya ang gabi naming iyon talo ko pa ang isang birhen na sarap na sarap sa grasyang natamo at pagkatapos noon ay para bang naisip ko na napakalaking kasalanan nito sa pamilya ko at sa panginoon ngunit itinatak ko sa isip ko na kasalanan ito ni Graciano, siya ang dapat sisihin. Naulit pa ng naulit ang nangyayari sa amin ni Jeffrey hanggang sa isang gabi ay pumunta ito sa bahay.

“Magandang gabi! Kamusta ka na?” tugon ni Jeffrey sabay hawak sa aking

hinaharap.

“Heto maganda pa rin!!” pabiro kong sinabi kasabay ng paghawak naman sa harap niya na noong oras na iyon ay tila ahas na naghahanap ng matutuklaw.

Palagay na palagay ako noong oras na iyon sapagkat alam ko na wala ang aking anak at naroon sa kaklase niya upang gumawa ng proyekto, kaya hinayaan ko lang ang ginawang ito ni Jeffrey. Nauwi na naman sa isang pagniniig ang pangyayaring ito. Pumasok kami sa kuwarto at nalimutan na namin itong isara, sabik na sabik ako sa kanya at todo-todo ang paghalik ko sa kanya na para bang ngayon ko pa lang siya makakaniig, at sa ‘di inaasahang pangyayari, umuwi ng bahay ang anak ko at nakita niya si Jeffrey na nakapatong sa aking ibabaw noong oras na iyon. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya at tumakbo siya palabas sabay ng pagbagsak ng pinto. Naitulak ko si Jeffrey at parang nabuhusan ako ng napakalamig na tubig at nahinuha ko na napakalaki kong tanga. Pinaalis ko si Jeffrey at dali-dali kong hinabol ang aking anak ngunit nabigo akong mahanap siya, pinagtanong-tanong ko siya sa mga tao ngunit walang nakapagturo sa akin kung nasaan siya. Hindi ako nakatulog noon at tulalang nakaupo sa harap ng aming tahanan naisip ko ang katangahan at karuwagan na aking ginawa, pakiramdam ko ay sobrang dumi ng aking katawan. Hindi ko na naisip ang anak ko na wala namang kasalanan, sinunod ko lamang ang init ng katawan at sariling kapakanan.

Kinabukasan ay nabalitaan ko na may isang tenedyer ang namatay dahil napag-buntunan ng mga adik, bigla akong kinabahan at agad akong tumungo sa pinangyarihan ng krimen at doon ko nakita ang aking anak na duguan,siya ay nabaril at nakadapa sa kalsada. Niyakap ko siya at bumabalik sa aking isipan ang mukha niya ng makita kami ni Jeffrey, walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.Waring unti-unting dinudurog ang puso ko,tila nais ko nang mamatay, ang anak ko na minahal ko nang lubos ngunit nagkulang ako at nagkamali. Kung hindi ko lang sana ginawa ang mga bagay na nagawa ko. Dinala na ng ambulansya ang bangkay ng aking anak papuntang morge at agad ko siyang pinaayusan at kinuhanan ng magandang kabaong.

Nakalagak ang bangkay niya sa harap ng aming tahanan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating na ang asawa kong si Graciano na hindi na natapos ang kontrata, walong taon siya doon at kitang-kita ko sa kanya ang hirap na naranasan niya, nangayayat at tumanda ang hitsura ng aking asawa. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa pangyayari at nasabi ko sa aking sarili “DIYOS KO ANO ANG MGA NAGAWA KO?”. Ngunit nangyari na ang lahat, Ano na ngayon ang gagawin ko? Paano ko sasabihin sa kanya kung bakit nangyari lahat ng ito?, Paano ko maipapaliwanag lahat ng kaganapang ito? Kung di lang sana ako nagpatalo sa kalungkutan at sa TUKSO., Kung di lang sana ako nagpadala sa mga MALING AKALA ko hindi sana ako naririto’t nagsisisi sa mga nagawa ko.

No comments: